First Love Never Dies. True or False?

May high school friend ako. Hindi ko naman talaga sya kakilala dahil magkaiba kami ng section. Pero ipinakilala sya sakin ng isa ko pang friend na friend nya din pala. Tandang tanda ko pa yun. Sa canteen. Magkaharap yung table namin. At sa hindi inaasahang pagkakataon, naging classmate ko sya nung sumunod na taon. Sobrang naging close kami. Lagi kaming magkakulitan. Lagi kaming magkaasaran. Lagi kaming magkakwentuhan. Yung tipong nasa likod ko sya, tapos wala syang book, sakin pa sya makiki-share ng libro kahit meron naman yung katabi nya. Yung tipong kahit hindi talaga kami magkatabi sa seat plan, makikipagpalit sya sa katabi ko para lang magkatabi kami. Yung tipong kahit magkausap na kami sa school, magka-chat pa din kami sa gabi. Sa totoo lang, hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi ko sya nakakausap.

Pero isang araw, naguluhan ako. Hindi ko alam kung ano bang tingin ko sa kanya. O baka naman alam ko na talaga, dine-deny ko lang sa sarili ko. Pero nung sinabi ko sa best friend ko, dun ko lang na-realize na may gusto na pala talaga ako sa kanya. Sobrang saya ko. Araw araw, feeling ko ang bilis ng oras. Dumating sa puntong hindi ko alam kung anong gusto nyang iparating. “Anong gagawin mo pag sinabi ko sayong mahal kita?” Yan ang tanong nya na hindi ko masagot sagot at wala akong matinong maisagot sa kanya. Alam kong may gusto syang iba. Nililigawan pa nga daw. Inisip ko na joke lang yun dahil normal na naman samin yung mga ganung bagay. Feeling ko, joke time lang. “Hahahaha! Ang corny! Nice joke!” Pero paulit ulit nyang tinatanong sakin yun nung gabing yun. Naisip ko din naman yung friendship namin. “Paano na yung friendship natin? Sayang naman yung closeness natin.” Kinabukasan, parang walang nangyari. Ganun pa din kami. Tama ang decision ko.

Noong sumunod na taon, nagkaron ako ng mga bagong kaibigan. Naging tropa ko sila at naging sobrang close naming sa isa’t isa. Dahil dun, nalaman ko na may gusto pala yung isa sa grupo namin dun sa friend ko na gusto ko din. Kaya naman pinilit kong itago sa kanila ang nararamdaman ko. Hanggang ngayon, hindi pa din nila alam. Dahil close nga kami nung guy, sakin humihingi ng advice yung tropa ko. Nagkwe-kwento sya pag may mga pangyayaring kikinilig sya dun sa taong gusto ko. Masakit. Pero pinilit kong mag kunwari na hindi ako apektado.

Isang araw, nagtext sakin yung friend ko na guy. Akala ko yung text na yun ay yung usual naming conversation. Asaran. Kulitan. Kwentuhan. Pero hindi pala. Nagtext sya sakin para itanong yung number ng tropa ko. Tinanong ko sya kung may gusto sya sa tropa ko, sabay bigay ng number. Wala naman daw. Pero sa loob ko, alam ko, may gusto na sya sa tropa ko. Hindi lang nya sakin sinasabi. At tama nga ang hinala ko dahil naging sila. Masakit. Masakit talaga. Pero wala akong magagawa kundi ang maging masaya para sa kanila.

Hindi ko sigurado kung ilang months sila or kung umabot ba sila ng isang taon. Basta one year or less. At sa one year or less na yun, sobrang hirap. Parang dinudurog yung puso ko pag nakikita ko silang magkasama. Pero kasalanan ko din naman kasi. Pakipot pa eh. Tapos nung magkagusto sa iba, todo emote. Ewan ko ba. Buti na lang, malapit na kami mag college nun. Naisip ko, siguro, pag hindi ko na sya nakikita, makaka move on na ko. At totoo nga. Naka move on na nga ako. Nagkaroon ako ng MGA bagong crush. Oo, MGA talaga yan. At yung dalawa sa mga naging crush ko, sobra akong na inlababo. Sa kanila nabaling yung feelings ko para dun sa high school friend ko. Sa totoo lang, hindi ko sya masyadong naaalala at dumating pa sa puntong hindi ko talaga sya naisip. At saksi dun yung best friend ko.

Noong isang buwan, nagtext sakin yung schoolmate ko. Nagyayaya magswimming. Sakto nga naman sa panahon ngayon dahil sobrang init. Tinanong ko sya kung saan. Sinabi nya yung place at kadugtong nun ay, “Oy Cha! Graduate ka na daw sabi ni *insert name here*!” (Una po sa lahat, gusto ko lang i-clear, hindi pa po ako graduate.) Nagulat ako nung nabasa ko yung pangalan nya. Naisip ko, Uy! Naaalala pa pala ko nito. Kinagabihan, napanaginipan ko sya. Dun sa panaginip ko, kaming dalawa, yung usual na gawain namin. Asaran. Kulitan. Kwentuhan. At mga sweet gestures. Hindi ko pinansin kasi naisip ko nab aka dahil nabanggit lang sakin nung classmate ko yung pangalan nya kaya napanaginipan ko sya. Pero nagsunod sunod yung mga araw na napapanaginipan ko sya kahit na hindi ko naman sya iniisip.

Nag message ako sa kanya sa facebook. Sabi ko, napanaginipan ko sya. As usual, niloloko nya ulit ako na namiss ko lang daw sya, etc. Sinakyan ko yung joke nya, sabi ko “Haaay nakoooo. Ang corny talaga. Tsktsk! Hahahaha! Oo nga eh. Miss na kita. I miss you! Namiss mo ba ko? Hahahaha! Yiiee! Kinikilig na yan!” Yan talaga yung exact na nireply ko sa kanya. Kinabukasan, excited akong magbukas ng facebook. Naki-internet pa ko sa pinsan ko nung mga panahon na yun kasi wala kaming internet sa probinsya. Pero pag bukas ko ng facebook, walang message. Pero thank you dun sa Seen on blah blah blah sa facebook dahil nalaman ko na nakita nya yung reply ko at pinili nyang wag mag reply. Seen Tue 6:14 PM.

Eto na naman tayo. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan. Hindi ko alam kung bakit bumalik lahat. Sa 3 years na hindi kami madalas magkita, hindi pa rin ba talaga ako nakaka move on? First love never dies. Yan ang sabi nila. Pero totoo nga ba talaga ang mga katagang yun? O hindi pa lang talaga dumadating yung taong magpapatunay na First love dies? O baka naman kahit anong mangyari, may matitira’t matitira pa din talaga akong feelings para sa kanya dahil sya ang First Love ko?

9 thoughts on “First Love Never Dies. True or False?

  1. Aww. I feel you. There’s this quote that I like, “First love never dies, but true love buries it alive.”. Pero alam mo, naniniwala ako na kahit anong mangyari, the first love will always have a special place in our hearts. 🙂

  2. Hello. Pa-comment lang. Ang ganda kasi ng post mo, ka-relate. First love lasts long… in our memories. Naks! Usually awkward kasi first time lang din maranasan yung mga emotions na yun. In time naman kapag tumatagal na, it’s only a memory. The wounds heal din kung meron mang sugat. Kasi ang first time kasi hindi na nauulit. Sige, sa uulitin. 🙂

Mag-iwan ng puna