History Does Not Repeat Itself Per Se

Normal sa magkakaibigan ang mag batian pag birthday. Pero ako, ilang araw bago ang birthday nya, pinagisipan kong mabuti kong paano ko sya babatiin. Dahil sa nangyari dati (click here for reference), plano ko na kapag nag thank you na sya, end of conversation. Hindi na ko mag rereply.

Me: Happy Birthday *insert name here*! 😀

Pinili ko syang i-message sa facebook kesa itext. Imbis na umaga o gabi ko sya binati, mga bandang 2:30PM ako nag message. Ang dahilan ko, para hindi nya isipin na sobrang special sya. Haha. Oha. May ganun pa kong nalalaman. Buong araw akong online – natural na sakin yan – sa facebook at twitter. Nung gabi na, nakita ko syang nagreply.

Him: Thanks Cha! :* 😀

Paki explain nga po sakin kung bakit may ” :* ” smiley sa reply nya. Parang nag skip ng beat yung puso ko nung nakita ko yung reply nya. Nagulat ako. Napa post tuloy ako sa twitter ng, Why did my heart skipped a beat when I read your message? Whyyyyy? Pero hindi ko sya nireplyan. Dahil ang plano ko nga, pag nag thank you sya, end of conversation. Gusto ko makita nya yung Seen on blah blah blah sa facebook para makita nya na wala na syang impact sakin. Para makita nya na binalewala ko lang yung reply nya. Pero hindi ko inopen yung message para hindi nya makitang nabasa ko na yung message. Pinagisipan kong mabuti kung rereplyan ko ba sya o hindi.

Kinabukasan, hindi ko natiis. Nireplyan ko.

Me: Manlibre ka naman! Debut mo na ata eh. Hahaha! Btw, balita ko nagaaral ka daw ulit. Push mo yan! Goodluck! 😀

(Nag aral kasi sya ng 2-year course and nag aaral ulit sya ng panibagong course na related sa course nya dati.)

At as usual, online na naman ako buong araw. Mga 4PM na ko nag reply sa kanya. Mga bandang 7PM, nag reply ulit sya. Pero hindi ko muna sya nireplyan. Sinisiguro ko na medyo natatagalan yung reply ko sa kanya. Noong una, after 1 hour ko sya nareplyan. Hanggang sa naging 30mins. to 20mins. yung pagitan ng reply ko. At kada reply ko sa kanya, alam kong nagrereply agad sya. Kaya nung magtagal, masasabi kong magka-chat na talaga kami. Tulad ng dati; asaran, kulitan, kwentuhan.

Him: Sama mo! Hahahahaha! Ganun nga talaga yun. Tsk. Bat kasi sobrang cute ko eh. Nagsisisi na ako. Haaay. XD

Me: Hahahahahahaha! Galing mo talaga mag joke! Whoooooo! Nakakatawa talaga. Lol! :)))))

Him: Sus! miss mo lang ung kacutan ko eh. 🙂

Me: Whooooo! Confidence level: infinite. Hahahahahahahahaha! Oo na lang. :))))

Para kaming baliw. Nagbubuhatan ng sariling bangko. Pero ganyan kami. Puro lokohan. Yan yung normal samin. Nung sabihin nya na gagawa daw muna sya ng assignment, alam ko, tapos na. Hanggang dun na lang yun. Yun na yung end of conversation. Hindi ko na naman sya makakausap ng ilang buwan maliban na lang may mauna saming mag approach out of the blue.

Me: Sus! Di ka naman talaga gagawa ng assignment eh. Mag do-dota ka lang eh. Hahahaha! Sige sige. 🙂

Him: Hala! Gagawa nga ako! Di ko lang talaga magets kung anong gagawin kahit sobrang dali lang nito. Hahahaha! English kasi kaya tinatamad ako.

Me: Sus! Palusot ka pa eh. Ayaw mo lang talaga gumawa ng assignment. Hahahahaha! Gumawa ka na oyyyyy!

Him: OPO!!! :))

Me: *insert thumbs up here*

Akala ko tapos na dun. Pero nag reply pa din sya. Pero pinilit ko syang gumawa ng assignment kasi mahirap mag cram. Been there, done that. Haha! Kaya after ng pag momotivate ko sa kanya, sabi nya gagawa muna daw sya.

Him: Hahahahaha! Gawa na ako. Para di ako mahassle bukas. :)) Ge Cha. Afk mode muna. Mwah! :*

Me: Hahaha! Gege. ^_^

Eto na talaga. End of conversation na to. Wala nang susunod. Pero ayan na naman tayo. Bakit kailangan pang lagyan ng “mwah!” with matching ” :* “? Bakit? Pwede naman simpleng, Ge Cha, afk mode muna. 🙂. Alam ko, masyado kong dinadamdam yung mga ganung banat nya sakin. Kasi naman eh. Haaay.

Yung inaakala kong end of coversation namin, nagpatuloy pa. After 15mins., nag message na naman sya sakin. Tinatamad daw sya. So syempre, reply naman ako.

Him: Bakit ganun Cha! Tinatamad talaga ako! Badtrip!

Me: Hahahaha! Ano ba kasi yang assignment mo? :))) Namiss mo lang ako ehh. LOL! :)))

Him: Oo nga eh. XD

Me: Sabi na ehh! Hahahahaha! Ano ba yang assignment mo?

Aaminin ko, sobra yung kilig ko nung mga panahon na magka chat kami. As in sobra. Yung tipong hyper na hyper ako. Sa term nga namin ng best friend ko, expired na expired ako. Para akong high. (Liliwanagin ko lang po, never pa po akong naging high sa talambuhay ko. Never.) Parang sasabog yung puso ko sa sobrang saya. Gusto ko tumalon at sumigaw sa tuwa kaso hindi ko magawa kasi nasa iisang lugar kami ng nanay ko at gabi na masyado nung mga oras na yun.

Naputol lang yung chat namin nung nag comment sa status nya yung dati naming adviser na teacher din namin sa english.

Him: Nagcomment si mam *insert name here* sa status ko Cha! Natense ako. Hahahahahahahahahaha!

Him: Ni-like Cha! I’m doomed! Hahahahahahaha!

Me: Kakampihan ko pala. Hahahaha! >:))))

Him: Grabe ka cha!!!!!!!! T.T

Me: Hahahahahahahahaha! Grabe ka! Hindi mo pa din ba nagagawa? :))))) mag 11 na oh. Hahahahahaha!

Ayun, nakita ko na naman ulit sya. Seen 10:40 PM. Sure ako, yun na talaga yung end of conversation namin. Pero this time, hindi ako nasaktan kasi alam ko na walang pambabalewala sa parte nya.

My plan was to not reply, but then I did.

And all my feelings came rushing back at once.

Advertisements