Bakit ako nag blog?

Sigurado ako na lahat tayo ay may mga bagay na gustong sabihin o i-kwento. May dalawang paraan tayo para makipag-komunikasyon: pagsasalita at pagsulat. May mga taong mas magaling sa pagsasalita na maaaring sa isang upuan ay maikwento na ang talambuhay nya. May mga tao din namang gamit ang lapis, ballpen, o di kaya’y keyboard (dahil sa makabagong panahon ngayon) sa pagpapahayag ng kanyang nararamdaman. Pero depende pa din ito sa gusto mong sabihin. May mga bagay kasi na ayos lang ikwento sa mga kamag-anak o kaibigan mo. Pero may mga bagay na sa diary mo lang ito pwede isulat.

Itong blog na ito ang nagsisilbing diary ko. Dahil, tulad ng sabi ko dati sa isa sa naging entry ko dito, tinatamad ako magsulat kaya nawawalan ng silbi ang notebook kong napaglumaan noong highschool. Kaya dito sa blog na ito ko na-ke-kwento yung mga bagay na hindi ko naman pwedeng i-kwento sa nanay ko dahil nakakahiya (ex. love life), yung mga bagay na kahit sa best friend ko ay hindi ko maikwento dahil feeling ko masyado syang busy para basahin pa ang mahahabang messages ko sa facebook na ang laman ay ang kwento ko tungkol sa nakakatawang paguusap namin ng isang kamag-anak. Sa mga panahong yun, naging takbuhan ko ang tumblr account ko para mailabas ang nararamdaman ko, masaya man o malungkot o nakakainis. At mula ngayon, baka pati ang blog na ito ay madadamay. Hehe.

Kaya sa mga followers at magiging (kung meron man) followers ko, pasensya na kung ang mababasa nyo dito ay ang mga kwentong pipilit sa inyong patayin ang computer, laptop o ano mang bagay na gamit mo sa pagbasa ng entry ko.

Isang munting paalala lang po,

I write to express, not to impress. 🙂

Advertisements