Friends to Strangers

Hindi maiiwasan na magka-crush ang isang tao sa school. Lalo na kung lagi mong nakakausap o nakikita. Pero mas maganda kung lagi mo syang nakakausap di ba? Yun nga lang, yung iba, hanggang tingin ka na lang. Pero ganun pa man, masaya ka pa din dahil nakikita mo sya.

May mga taong mabilis magka-crush. Tulad ko. Minsan, isang araw. Minsan, tatlong linggo. Minsan, umaabot ng ilang buwan. Pero sa case ko, parang 3 months ko na crush ang taong to. Itago na lang natin sya sa pangalang, Kris (hindi nya tunay na pangalan).

Kilala ko na sya bago pa man kami magkausap at magkatabi sa isang subject. Sa totoo lang, pangit ang image nya at ng grupo, na itago natin sa pangalang Voltes V, sa akin at mga kaibigan ko. Sila kasi yung grupo na parang hindi welcome ang iba na sumama sa kanila. Iniiwasan talaga ng grupo namin ang Voltes V. Pero noong second year college ako, kaklase ko sa 4 out of 6 na subjects ang halos lahat ng members ng Voltes V, at isa na dun si Kris.

Friday, sa isa kong 3-hour class, sinabi ng prof ko na alphabetical order yung seat plan namin. Dahil alam ko ang surname nya, at alam kong 97% ang chance na maging katabi ko sya, naghanap ako ng classmate ko na mas mauuna sa akin para hindi ko makatabi si Kris. Luckily, habang inaayos ko alphabetically sa utak ko ang mga surnames ng kaklase ko, may tao sa pagitan namin ni Kris. Yes! Hindi ko katabi ang isa sa mga Votes V!

Kampante na ko habang nagtatawag ang prof ko na hindi ko sya magiging katabi. Pero hindi ko alam kung pano nangyari na nagkabali-baligtad kaming magkakatabi. Ako, si Kris at isa pang kaibigan. Ang dapat sanang ayos namin ay si Ako, si Friend1 at si Kris. Pero ang nangyari, nagkabaligtad kami ni Friend1. At ang ending, magkatabi kami ng isa sa mga taong ayaw kong makatabi. Dahil dun, sobrang tahimik ko lagi pag yung class na yun. Kulang na lang mapanis yung laway ko dahil hindi din kami binibigyan ng break ng prof ko.

Pag-upo ko sa upuan ko, sabi ko sa sarili ko, “Sa dami ng makakatabi ko, bakit sya pa? Hindi ba marunong ng alphabet tong prof na to at baligtad kami ni Friend1?!” Pero kinain ko lahat ng sinabi ko sa sarili ko at naging “Buti na lang nagkabaligtad ang ayos ni Miss sa surnames namin. At least, katabi ko sya.”

At dahil sa subject na yun, nagsimula kaming maging friends.

Lagi kaming magkausap. Nagtatawanan. Nagrereklamo na nga si Friend1 sakin dahil hindi ko daw sya kinakausap. May times na random lang yung paguusap namin, tulad ng “Parang hindi bagay sa kanya yung pangalan nya.”  o kaya naman “Oh, late ka na. Hindi ka pa pumasok kanina. Tsktsk! *ngiti*” at sasabihin nya na “Oo nga eh. Nabangga kasi ako kanina kaya dinala ko sa Casa yung kotse ko. Wala na kong pera!”

Dumating ang graded recitation, hindi ko alam kung anong nakain ni mokong at napagtripan ako. Sa graded recitation kasi namin, magsasabi ng number yung kakatapos lang magrecite. Halimbawa, 7 yung sinabi nung nagrecite, yung pang 7 sa class list yung sunod na tatawagin. Tinanong nya ko, “Pang ilan ako?” Binilang ko kung pang ilan sya. “Pang 35 ka ata. Oo tama. Pang 35 ka nga. :D” “Ahhh. So pang 37 ka? Sige, pag ako natawag, ikaw tatawagin ko. :D” Ayoko matawag! Bakit kasi sinabi ko pa kung anong number nya?! “35 po Miss.” Sabi nung classmate ko na kakatapos lang magrecite. Napatingin sya sakin at ngumiti. Yung parang evil smile. “Kris, your turn.” Sabi ng prof ko. Pagkatapos nya sumagot, habang nagrerecord yung prof ko ng grade nya, bumubulong ako sa kanya, “Kris! Utang na loob! Wag muna ko. Ayoko pa magrecite. Please talaga Kris. Seryoso ako. Wag mo ko tatawagin ha. Ibang number sabihin mo. Please.” “What number?” Tanong ng prof ko. “37.” Sabay tingin sakin. “Waaaa!” Napalakas ata yung pagkakasabi ko dahil sabi ng prof ko, “Tama ka Cha, ikaw nga.” Kaya naman lahat ng classmates ko, napatawa din sa reaksyon ko. Pati yung promotor, tawa din ng tawa. Habang binabasa ko yung question, dahil siguro sa kaba or whatever na nararamdaman ko, hindi ko maintindihan. “Halaaaa! Ang hirap naman nung question! Ikaw kasi ehhhhh! *tumatawa, sabay palo kay Kris*” Tawa ng tawa si Kris nung pinalo ko sya. Yung tipong hindi na makahinga sa katatawa, ganun sya noong mga oras na yun. Wagas kung maka-tawa. Pagkatapos ko sumagot at magbigay ng number, umupo na ko. Sabi ko sa kanya “Hala! Mali ata yung sagot ko! Ikaw kasi ehhh!” Natatawa pa din sya, pero palagay ko, pinipilit nya maging seryoso. “Ok naman ata yung sagot mo eh. Tama yun!”

Yun nga lang, hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente. May mga bagay din na nagbabago. Kung dati, pag nagkakasalubong kayo sa corridor, nginingitian ka nya, posibleng sa darating na panahon, parang invisible ka na sa paningin nya.

Parang yung nangyari sa amin.

Breaking Dawn Part 2: The Epic Finale

Hindi naman sa fan ako ng Twilight Saga ni Stephanie Mayer, pero dahil isa ako sa mga taong nasimulan ang movie na ‘to mula sa Twilight, New Moon, Eclipse at Breaking Dawn Part 1, hindi ako nagpahuli sa panonood ng Breaking Dawn Part 2: The Epic Finale.

Breaking Dawn Part 2 Poster (Credits to the rightful owner)

Hindi ako magiging spoiler dahil ayoko sa mga taong spoiler kaya ibibigay ko na lang kung anong opinion ko sa movie. Para sakin, unlike sa mga sinasabi ng iba, ok naman yung ending. Medyo bitin nga lang. Nakakakilig yung ibang parts nya. Meron ding mga comedy parts na hindi ko masyadong inasahan. Syempre, hindi mabubuo ang movie ng Twilight Saga kung walang nag-aaway sa kalagitnaan ng movie kaya naman makasisiguro kayo na may action at medyo brutal na sagupaan sa climax ng kwento katulad ng pagpatay ng grupo ni Edward Cullen kay Victoria, kung naaalala nyo pa o kung napanood nyo yun.

Dahil sa movie na ‘to, sobra akong na-inlove kay Jacob Black o Taylor Lautner sa totoong buhay. Sino nga naman ba ang hindi ma-iinlove sa gwapo nya di ba? Kahit sino naman sigurong babae.

My baby Taylor Lautner :”> ♥ (Credits to the rightful owner)

Sobra talagang nakaka-inlove si Taylor Lautner. Hindi ko alam kung bakit pero nung nakita ko sya sa movie, kinilig ako. Hahaha! Dahil na din siguro sa care na pinakita nya kay Renesmee. Sweet kasi eh. ♥ Hahaha!

Syempre, kinilig din naman ako sa true-to-life sweethearts na sina Robert Pattinson at Kristen Stewart na talaga namang napaka-sweet sa movie. Halata mo talaga yung love nila sa isa’t isa. At sobrang nakakakilig yung ending part na may forever silang sinabi. ♥

Edward Cullen and Bella Swan-Cullen (Credits to the rightful owner)

Nakaka-inlove din naman ang ka-cute-an ni Renesmee Cullen. Yun nga lang, nung baby pa si Renesmee, halatang animated yung baby. Pero kahit ganun pa man, lahat naman ng mga tao sa sinehan ay napa “awww!” ng unang makita si baby Renesmee, kahit ako. 😀 Nagagandahan din ako sa gumanap bilang batang Renesmee. Parang ang innocent kasi ng mukha nya.

Renesmee Cullen (Credits to the rightful owner)

Anywaaaaay, maniwala kayo sa mga sabi-sabi na madaming mamamatay. Pero ok lang yun, kasi happy ending pa din naman. Totoong The Epic Finale talaga ang movie na ‘to.

Jacob Black, Edward Cullen, Renesmee Cullen and Bella Swan-Cullen (Credits to the rightful owner)

(Isang patunay na hindi ako pwedeng mag film review. Hahahaha!)

Christmas Spirit

Nakakatuwang isipin na dito sa Pilipinas, pagdating pa lang ng -ber Months (September-December), mararamdaman mo na ang Christmas Spirit.

Makakarinig ka na ng mga kantang pampasko tulad ng Rudolph the Red-nosed Raindeer, Give Love on Christmas Day, All I Want For Christmas, at marami pang iba. Nagsisimula na din maglagay ng Christmas lights, parol, at iba pang palamuti para sa paggunita ng Pasko.

Sabado ng magyaya ang nanay ko na pumunta sa SM para kumain ng lunch, mag-grocery, at magbayad ng tubig. Ako naman, go lang. Habang naglalakad-lakad, narinig ko mula sa speaker ang, “In 10 minutes, you will be witnessing the magical Christmas Parade…” Hinatak ko agad ang nanay ko papunta sa gitna ng SM kung saan nakapwesto ang malaking Christmas Tree.

A Nutcracker and a Christmas Tree @ SM Bacoor

Pero dahil 10 minutes pa daw bago magsimula yung parada, bumalik na lang ulit kami after 5 minutes siguro.

At after 10 minutes, nagsimula na nga ang Magical Christmas Parade. Nagsimula ito sa na may sumasayaw na dalawang pairs sa harapan, at pagkatapos ay isa isang lumabas ang mga “important characters”.

Opening Act, Two pairs of dancers

Nutcrackers

Snowflakes

Fairies

Jesters and Bears

Bakers and a Bear(?)

Santa’s Sidekicks? (I really don’t know who they are.)

At syempre, hindi mawawala ang cute na cute na si Santa. 🙂

SANTA!!!

Pagkatapos nila magsayaw ay umikot sila sa buong basement ng SM. Tama nga ang sabi nila, iba talaga ang Pasko sa Pilipinas.

Sabi nga sa kanta ni Yeng Constantino,

Nadarama ko na ang lamig ng hangin

Naririnig ko pa ang maliliit na tinig

May dalang tansang pinagsama-sama’t

Ginawang tambourine

Ang mga parol ng bawa’t tahana’y

Nagniningning

Ibang mukha ng saya

Himig ng Pasko’y nadarama ko na

May tatalo pa ba sa Pasko ng Pinas

Ang kaligayahan nati’y walang kupas

Di alintana kung walang pera

Basta’t tayo’ magkakasama

Ibang iba talaga ang Pasko sa Pinas

PS. Sorry sa crappy photos, cellphone lang kasi gamit ko. 🙂

Ideal Person

Pagkatapos ng class namin at ng seminar na pinuntahan namin, naisipan namin mag lunch sa McDonald’s. Tulad ng ibang magkakatropa, nagkwekwentuhan kami habang kumakain. Pero dahil wala akong ma-share na kwento at naging listener lang ako ng tropa ko. Napansin nya na sya lang ang nagkwekwento samin kaya naman tinanong nya kami kung anong bago samin. Sabi ko naman, “Wala. Ayan ohh! Si Friend1 madaming kwento yan!” Ang kwentong tinutukoy ko ay mga kwentong hindi lang tungkol sa mga tropa namin, pero mga kwento tungkol sa iba. In short, tsismis. Sabi naman ni Friend1, “Oo! Madami akong kwento! Pero nakalimutan ko na eh. Hahaha!” Pero hindi ako naniniwala sa kanya. Haha!

Dahil wala na kaming maisip na mapagkwentuhan, bigla kong naalala yung game ni Friend1 na “Ice Breaker”. Isa syang game na kung saan bubunot ka ng tanong mula sa mga cards, babasahin at sasagutin ang tanong. Simple as that. Pero delikado din minsan kasi napaka random ng mga questions. May mahirap, may madali, may mga tanong na naghihintay ng revealing na sagot.

Naunang bumunot ng tanong si Friend2. Sumunod si Friend1. Sumunod ako. At ng bumunot ulit ng tanong si Friend2, nabunot nya ang card na may sulat na, “PRIVILEGE: You can ask your questions to anyone.” Bigla syang tumingin sakin at tinanong ako at sabi, “Sinong crush mo sa tropa natin?” Sabi ko agad, “Wala.” Dahil wala naman talaga. Pero pinipilit nya ko na sagutin yung tanong. Pero paulit-ulit lang din ang sagot ko, kaya pinalitan na lang nya ang tanong nya sakin ng, “Ano ang ideal man mo?” Dahil awkward sakin sagutin ang tanong nya dahil lalaki sya, sinabi ko na lang na hindi ko alam. Pero hindi ko din naman kasi talaga alam. Baka kasi kung mag isip pa ko ng isasagot sa kanya, eh abutan kami ng pasko.

Hanggang sa pag-uwi ko, sa pagtulog, sa pag-gising, paulit-ulit na bumabalik yung tanong sa utak ko. Ano nga ba ang ideal man ko? Habang naliligo ako, may ilang bagay akong na-enumerate.

  • Matalino. Pero hindi naman yung sobra.
  • Mas matangkad sa akin
  • Mabait
  • Caring
  • Funny
  • Responsable
  • Sweet, etc.

Habang iniisa-isa ko ang mga bagay na to, na-realize ko na si Superman (code name ko sa crush ko) pala ang dine-describe ko. ☺♥

Sweet Dreams

Sa LRT…

Cha: Uyyy! Tawagan nyo na nga si Boy*. Ang tagal eh.
Friend1: Tawagan mo. Wala akong load na pangtawag eh.
Cha: Eto si Friend2 ohh! Unli call lagi yan eh. Hahahaha! Dali na Friend2, tawagan mo na. 😀
Friend2: Teka lang di ba?! Eto na nga ohhh.

Friend2, tinatawagan si Boy…

Friend2: No answer eh.
Cha: Ano ba yaaaan! Ang tagal naman nun. Anong oras na oh. Tawagan mo ulit!
Friend2: Ikaw na nga. (Binigay ang cellphone kay Cha.)
Cha: Ehhhh! Ikaw na. Hahahaha!
Friend2: Ikaw na. Ako pa kakausap dun?
Cha: Tsss! Sige na nga! Akin na.

Cha, tinatawagan si Boy…

Cha: Ayaw ata sagutin eh.
Cha: Uyy! Eto na pala. Hello! Asan ka na ba?
Boy: Teka lang. Eto na. Malapit na.
Cha: Ano ba yaaaaan! Ang tagal! Bilis! Hahahaha!
Boy: Eto na nga ohhhh!
Friend1: *tingin sa likod*
Friend2: *tingin sa likod*
Friend 1 and 2: *ngiting ngiti*
Cha: *tingin sa likod habang naka-dikit pa din sa tenga ang cellphone*
Boy: *ngiting ngiti habang naka-dikit sa tenga ang cellphone*
Cha: Suuuuus! *ngiting abot tenga*

Mom: Cha, gising na. Anong oras ba pasok mo?

________________________

*Boy = Crush :”>

Ang Diary. Bow.

Habang nililinis ko ang bookshelf ko na tuwing pagkatapos ng semester/term ko ay parang dinaanan ng bagyo, nakita ko sa pinaka sulok ng bookshelf ang diary ko noong high school.
Nakakatawang basahin lahat ng mga sinulat ko. Tama nga sila, tatawanan mo lahat ng ginawa at sinabi mo noon. Ngayon ko lang narealize na ang ‘corny’ at ‘cheesy’ ko. For example,

Saktong pagka-out ko sa profile nya, bigla syang nag log in sya sa PUSO KO.

O di ba? Sinong magaakala na bago mauso ang mga banat, eh bumabanat na pala ako.
May mga instance din na para lang maka-chat sa YM(Yahoo Messanger, yun pa yung uso dati.) si crush, kung ano ano ang idadahilan.

After 1 hour ng pagoonline ko, hindi pa din sya nag-pi-pm. Tsk! Nag-GM na nga ako para magpapansin eh. Hahaha! So I decided na ako na lang ang mag-pm. Pero parang nahihiya ako, kaso napindot ko yung enter. Badtrip! Sabi ko, “Hello! Hu u po? Nakalagay ka po kasi sa contacts ko eh.” At bigla syang nagreply. Sabi nya, “Hindi ko din alam eh.” Akala ko yung name nya yung tinutukoy nya kaya sabi ko, “Ngek! Hehe.” Tas sabi nya, “Di ko alam kung bakit nasa contacts mo ko.” Tas sabi ko “Ahh. Baka nilagay po ng classmate ko. Ginamit nya po kasi to last time.”

At dahil dun, naka-chat ko sya ng matagal. Ayos ba? Paraparaan lang yan! May ibang part din ng diary ko na kilig moments kasama ng aking First Love. Oo. First love ko sya(next time ko na lang ike-kwento).

Pumunta kami nila friend1 at friend2 sa supermarket para bumili ng tubig, kaso ice cream yung binili ni friend1. Sumunod si FirstLove samin. Tas sabi ko, parang gusto ko din ng ice cream, at gusto din nya kaya nilibre nya ko. Inaasar nila kami kasi pagnaglalakad kami, kami yung magkasabay, tas magkatabi kami sa escalator at kaming dalawa lang ang kumakain ng ice cream. Nung nasa labas na kami ng Imagine(parang time zone.), bawal pala magpasok ng pagkain kaya naiwan kami sa labas. Pero nauna syang matapos kumain ng ice cream kaya sabi ko sa kanya, mauna na sya pumasok sa loob. Tas niloloko nya ko na papasok na sya. Sabi ko susunod na lang ako. Pero ayaw nya. Hihintayin nya daw ako. Pagkatapos ko kumain, sabay kaming pumasok.

Cheesy ba? Hahaha! Eto pa…

Sabi ko, kaya mabagal yung internet nya, dahil baliw at pikon yung gumagamit ngayon ng pc nila. Tinanong ko nga kung kilala nya eh. Sinabi ko din na kachat ko ngayon yung taong yun. Sabi nya, “Oo. Si *Name of FirstLove* ata pangalan nun. Tas yung asawa nya si Cha.

Pero syempre, hindi naman puro happy-happy ang nakalagay sa diary ko. Meron din namang mga kwentong brokenhearted.

Nakatext ko sya(FirstLove) gamit ang cp ni friend3. Magkasama kasi sila eh. Kaso sana hindi na lang sya nagtext. Sakit kasi eh. Tinanong nya ko kung katext ko daw ba si friend2. Tas sabi ko hindi. Sabi nya, “Ahh. Sige, yun lang gusto ko malaman.” Oh di ba?! Sakit no?! Haayy. Sana talaga hindi na lang nya ko tinext. Ok na sana eh.

Madami sa atin ang mga sumubok na mag sulat ng diary pero hindi natuloy. Umamin ka(lalo na yung mga babae dyan!), sinubukan mo din magsulat sa diary pero laging napuputol. Laging hindi nag-tutuloy tuloy. Wag ka magalala, guilty din ako dyan. Madaming beses ko na sinubukang magsulat ng diary ng tuloy-tuloy pero sa huli, napuputol. Hindi ko alam kung bakit, siguro kasi, nakakatamad?Pero sa tingin ko, isang instrumento ang diary para mabalikan ang mga nakaraan. Ang mga nakaraang nagpatawa sa atin. Ang mga nakaraang nagpa-kilig sa atin. Ang mga nakaraang nakasakit ng ating mga damdamin. At higit sa lahat, ang mga nakaraang nagturo sa atin ng mga panibagong leksyon ng buhay.

Unang Post Sa WordPress

Hello WordPress!

Ito ang unang pagkakataon kong gumawa ng blog (yun ay kung hindi mo isasama sa bilang ang blogger account na ginawa para sa isang project sa school).

Tulad ng first day of class, magpapakilala muna ako.

Ako si Cha. College student ako sa Manila. Sa mga magkokolehiyo pa lang dyan, isa lang masasabi ko sa inyo: mahirap. Pero kahit mahirap ang college, makakaya mo yun basta magtiyaga ka sa pag-aaral at syempre, wag kalimutan magdasal. Masaya din naman maging college, kahit na may mga panahon na halos wala ka ng tulog dahil sa mga sunod sunod na requirements na sabay sabay ipapasa. Tiwala lang, tsaka aral aral din.☺

Hobbies. Mahilig ako magbasa ng mga libro. Mga nobela tulad ng mga gawa ni Nicholas Sparks at iba pang Young Adults na libro. Pero english lang ang binabasa ko. Ewan ko kung bakit, pero english lang talaga.  “The Time Traveler’s Wife” ni Audrey Niffenegger ang paborito kong novel. Kwento sya ni Henry, na hindi nakokontrol ang pag-ta-time travel sa past at future, at Clare, na magiging asawa ni Henry. Try nyong basahin, maganda sya.☺ Pero kahit puro english novels ang hilig kong basahin, hindi pwedeng hindi ko mabasa ang bawat librong pina-publish ni Bob Ong. Isa ako sa mga taga-hanga ni BO. Saludo talaga ako sa kanya. At dahil nga mahilig ako magbasa, balang araw, gusto ko din makapagsulat at makapagpublish ng sarili kong novel. Dahil dito, ako ay isang Reader at Frustrated Writer.

Isa sa mga pampalipas oras ko ang panonood ng mga movies. Mahilig ako sa mga animated na movies. Yung parang mga pambata tulad ng Toy Story (1,2&3), Up, at iba pa. Pero pinakapaborito ko talaga ang Meet The Robinsons na nagsabing, Keep Moving Forward. Lately ko lang nakahiligan manood ng mga series. Ang pinaka una at pinaka gusto kong series ay How I Met Your Mother. Natutuwa talaga ako sa series na yun. Ilang seasons na ang nakalipas pero hindi pa rin ni-re-reveal kung sino talaga ang naging asawa ni Ted(main character).

Masyado na ata mahaba tong nasulat ko. Tama na muna ang mga information na binigay ko. Sa susunod na post na lang ulit. ☺