Signed copy of Paper Towns by John Green

Signed copy of Paper Towns by John Green

Para sa isang mambabasa tulad ko, isang priceless moment ang magkaroon ng librong may pirma ng author nito.

Kaya naman, sa nagregalo ng librong to sakin, MARAMING SALAMAT! 😀

Advertisements

KV Moments

Nasa library kami kanina ng mga kaibigan ko mula sa grupo namin. Apat kami dahil may class pa yung tatlo (7 kasi kami sa grupo namin). Nakita kami nung isa naming kaibigan kaya naman sumama sya samin. Habang nagkwekwentuhan, lumapit samin yung isa sa mga members ng Voltes V. Sa kanilang lahat, si Stephen (hindi tunay na pangalang) ang pinaka-ka-‘close’ ko. Yun ay kung ‘close’ nga talaga kami. Pero palagay ko, hindi naman.

Lumapit sa table namin si Stephen. Sabi ko sa kanya, “Hiiiii Stepheeen!” Hindi ko alam kung bakit, pero ganun kasi ako bumati. Weird ba? Hahaha! Pagka-hi ko, nakita ko sa likod nya si Kris. Natameme ako. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung babatiin ko din ba sya o hindi. Nataranta ako.

Eto namang mga kaibigan ko, dahil alam nilang may gusto ako kay Kris, biglang nag-hi sakin. “Hi Cha!” “Hi Cha!” “Hi Cha!” Paulit ulit. Nahihiya tuloy ako. Baka kung anong isipin nila, niya. Sabi ko na lang, “Ha?” sa tuwing mag-ha-hi sila sakin.

Pagkaalis nila, pumunta sila sa likod ng table namin. At dahil nga kaibigan ko ang mga kasama ko, bumanat pa yung isa ng “Cha, alam mo yung Denver Nuggets?” “Oo. Sa NBA.” “Ang cute nung kulay nila, blue and yellow.” Pinanglakihan ko ng mata yung kaibigan ko dahil alam kong yung suot namin ni Kris yung tinutukoy nya. Naka-yellow kasi ako, at naka-blue naman sya.