Surprise!

Minsan lang mangyari yung mga surprise thingy pag birthday ng isang tao. Ako, first time ko lang talaga ma-surprise, although expected/unexpected ko na yun.

Expected, kasi niloloko ako nung isang friend ko na sa birthday ko daw, isusurprise nila ko. Pinag-tri-trip-pan ko kasi sya nung mga oras na yun. Unexpected, kasi hindi ko ineexpect na yun yung gagawin nila. Buti na lang. Hahaha!

Ilang araw bago ang birthday ko (Dec.16), naging weird yung kilos ng mga friends ko. Dati, gusto nila na lagi akong maaga pumapasok. Pero nung mga araw na yun, gusto nila, magpaka-late ako. Yung tipong dati, gusto nila nasa school na ko ng 11AM, nung mga araw na yun, gusto nila, 1PM ako dumating.

Habang naka-conference call…

Friend1: Friend2, pasok ka ng maaga bukas ha. May gagawin tayo.

Friend2: Ayy! Oo nga pala. Sige sige.

Me: Anong gagawin nyo?

Friend1 & Friend2: *nagtawanan*

Friend1: Hindi. Kasi may pupuntahan kami.

Me: Okaaaay?

Meron ding times na medyo nadudulas sila. Siguro dahil sa excitement, hindi mapigilan magkwentuhan sa harap ko.

Friend3: Hahahaha! Nakakatawa si *name*! Sabi, “bakit ako?”

Me: *taas kilay, kunot noo*

Friend1, 2, 3, 4: *nagtawanan*

Meron ding times na kahit kasama nila ko, nagbubulungan sila. Yung tipong pag nakatalikod ako, biglang sisimple yung isa para kausapin yung isa. Pero pasensya, malakas senses ko. Kaya nahuhuli ko sila.

May time din na nung kumakain kami, sobrang na-spill talaga nung isa yung idea.

Friend3: Hahahaha! Naalala ko si *name*. Ayaw magpa-video! Hahahahaha!

Friend1,2,3,4: *natigilan, biglang tumawa*

Me: Hahahahaha! Shoot! Alam na! Kaya pala! Hahahahahaha!

Friend1,2,3,4: *tawa ng tawa*

Friend3: Hindi ko ba nakwento sa inyo? Mahilig kasi ako mag-edit edit.

Friend2: Oo nga, mahilig nga mag-edit yang si Friend3 ng videos pag wala syang magawa.

Me: Hahahahahahahaahahahahaha! Kaya pala! Hahahahahahahahahahaha!

Friend4: Anywaaaaaays, change topic!

Friend1: Hahahahahaha! Change topic!

Me: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

See? Sino nga naman ba ang hindi maghihinala sa mga ginagawa nila. Lagi talagang fail kasi lagi ko silang nahuhuli. Hahaha!

So, since Sunday yung 16, 17 nila binigay sakin yung gift nila. Nung una, si Friend1 lang yung kasama ko, tapos si Friend2, then si Friend3. Sabi nila, maghanap daw kami ng vacant room sa school. Nung nakahanap na kami, sa likod kami ng classroom umupo. Etong si Friend2 at Friend3, pumunta sa harap at inopen yung computer. Habang naglalaro ako ng iTouch, ayun sila, tumatawa at sumisigaw sa pinapanood nila.

Pagdating ni Friend4, niyaya ako ni Friend1 mag-cr. Pinipilit talaga nila akong lumabas ng room. At pagka-cr namin, ayaw nila ko papasukin. So, nasa labas lang ako ng room. Nung pinapasok na nila ko sa room, naka-pause yung video. Pinaupo nila ako sa may computer, pinag-headset, tsaka pinlay yung video.

Sobrang nakaka-touch lang na super effort sila sa pagkuha ng video ng kung sino sino. Nalaman ko pa dun sa video na yun na kahit kasama nila ko, nakaka-kuha sila ng paraan para kuhaan ng video yung ibang tao ng hindi ko napapansin.

Pero ang pinaka the best na part dun ay yung ending. Medyo ineexpect ko na dun yun, pero hindi ko akalain na gagawin talaga nila yun. Kinuhaan nila ng video yung crush ko. ♥

Friend3: *crush*, pa-video naman, para sa birthday ni Cha.

Crush: Hala! Bakit ako lang?

Friend ni crush: Kasi ikaw lang yung crush nya!

Crush: *tumawa DAW*

aaaaand, ang maganda pa dun, ngiting ngiti si crush habang nagbibigay ng message. Yun nga lang, since hindi naman kami ganun ka-close, sobrang short lang talaga. And nakakaloko din na yung mga tropa nya, habang kinukuhaan sya ng video, inaasar sya. Nakakahiya. Alam na tuloy nya na crush ko sya. -_____-

Ohhh well. Nangyari na ang nangyari. Pero thankful pa din ako sa effort nila sa gift nila sakin.

I have the most awesome friends. ♥

BO: Ang Pagbabalik

Si Bob Ong ay isang Pilipinong manunulat na sumikat dahil sa mga obra nyang puno ng sense of humor habang pinupuna ang buhay ng mga Pilipino.

Nagsimula siya ng mabuo ang blog nya sa Multiply na Bobong Pinoy kung saan nabuo din ang pseudonym nyang Bob Ong. Kasabay ng pagkaalis ni former President ERAP sa serbisyo dahil sa People Power 2, nawala na din ang blog nya.

Ilan sa mga popular na libro nya ay ang ABNKKBSNPLAko?!, Ang Paboritong Libro ni Hudas, Stainless Longganisa, Macarthur, Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan at Lumayo Ka Nga Sa Akin na lumabas noong 2011.

Para sa mga followers ni Bob Ong, isang nakalulungkot na taon ang 2012 dahil walang lumabas na bagong libro si BO.

Kaya naman sabi ni BO sa kanyang Facebook,

Marami pong salamat sa pagbabasa. Utang muna ang 2012. =>

Tulad ko, ang video na ito ang pinakahihintay ng milyong sumusubaybay sa mga librong isinusulat ni BO.

2013. Konti na lang. Kanting konti na lang.