Bum no more!

May isang taon din akong nagpahinga pagkatapos ko ng college. 2013 ako gumraduate pero hindi agad ako naghanap ng trabaho. Sabi kasi sa akin ni Mama at ng iba kong kamag-anak na bata pa naman daw ako. 19 years old. Dahil kakagraduate ko pa lang noon, syempre, sabik na sabik ako sa bakasyon. Ikaw ba naman ang magkabakasyon ng halos isang linggo lang kada term noong college, sinong hi-hindi sa napakagandang alok na mas mahaba sa isang linggong bakasyon?

Ang ilang months lang sana na bakasyon ko ay humaba ng humaba dahil na din sa pag-uwi namin sa probinsya. Biglaan ang pagpapa-renovate at repair ng bahay namin sa Batangas dahil wala pang gagawing bahay ang mga trabahador ng kapatid ni Lolo kaya naisingit sa trabaho nila ang bahay namin. Yung inaakala kong 1-2 months para sa renovate at repair, tumagal ng 3-4 months dahil madaming kailangang i-repair sa bahay at mukhang pinatagal talaga nung mga trabahador. Tapos, yung pagpipintura na akala naming 1 month lang, umabot ng 2 months.

June nung mag apply ako sa isang government agency. Hindi ko na sasabihin kung saan. Hehe. Monday yun at buti na lang nasaktuhan ko na may exam sa Friday kaya nakapag-exam na din ako agad. Isa lang ang masasabi ko sa exam. Mahirap. Naging mahirap din siguro sya dahil sa time limit. Yung ibang part nga ng exam, 15 minutes lang ang time limit. At yung magkasamang Math at English, 45 minutes lang. Tapos may essay pa. Pagkatapos ng exam, 3-4 weeks daw bago namin malaman kung pasado ba kami o hindi.

Nawalan na ako ng pag-asa dahil nahirapan talaga ako sa exam at hindi ko sigurado kung tama ang mga sagot ko. At lalo pa akong pinanghinaan ng loob dahil 3rd week na, wala pa din akong natatanggap na kahit anong result mula sa kanila. Tinawagan ko na ang HR para itanong kung may result na. Wala pa daw. Umabot na ng August pero wala pa din akong natatanggap na result kaya tumawag na ulit ako (sorry sa mga taga-HR kung nakulitan kayo sakin). Tinanong ko ulit kung may result na. Kinabahan ako nung sinabi ng kausap ko na may result na daw. Sabi ko, wala pa akong natatanggap na result kaya naman sya na mismo ang nagsabi sa akin ng result. Nakapasa daw ako sa exam! Yehey!

Makalipas ang ilang linggo, nakatanggap ako ng text para sa initial interview, Monday ng 9:30AM. 7:00AM kami sumakay ni Mama ng taxi dahil hindi na kami makasakay ng bus o jeep at baka ma-late na ako. Sa halip na mas maaga kaming makarating, mas lalo pang nagtagal ang byahe namin dahil kung saan mas mabigat yung traffic (Las Pinas at Paranaque), doon kami idinaan nung driver. Nung una, chill pa ako dahil masyado pa namang maaga. Pero nung malapit na mag-8:30 at malayo pa kami, kinabahan na ko. Medyo pinapagalitan na ni Mama yung driver at hindi ko na din napigilan ang sarili ko dahil inis na inis ako sa driver. Tina-tap ko na yung paa ko sa sahig ng taxi nya at humihinga ng malalim sabay bulong ng “Grabe! Sobrang traffic! Dapat talaga sa may coastal na lang tayo dumaan.” Napapakamot na lang ng ulo yung driver. Siguro kaya nya kami doon idinaan, para mas tumaas yung metro.

Pero buti na lang hindi ako na-late. Mga 10 minutes before 9:30AM kami dumating. Akala ko talaga ma-le-late ako. Pag dating ko sa may HR, 3 lang kami. Dahil unang dumating sa akin yung dalawa, sila ang nauna. Pagpasok nila, may dumating pa ulit na isa. Apat na kaming i-interview-hin. Pagkatapos nung dalawang nauna, ako na ang tinawag. Buti na lang at mabait yung nag-interview sakin. Parang naging mas friendly pa yung environment dahil yung nag-interview sa akin ay taga Cavite din pala. Pagkatapos ng interview, sinabi nya sa akin na ire-refer daw nya ako sa isang office at itetext ulit ako para sa next interview.

Nakatanggap agad ako ng text pagakatapos ng isang araw. Ang final interview ko daw ay sa Friday, 8:00AM. Dahil ayoko na maulit yung nangyari noong initial interview, 5:30AM pa lang umalis na kami ng bahay. Wala pang masyadong pasahero ng mga oras na yun kaya naman nakasakay kami agad. Dumating kami ni Mama ng 6:30AM kaya umupo muna kami at kumain sa McDo para maghintay ng oras. Pumunta na ako ng 7:35AM sa office. Mga past 10:00AM na ata ako nainterview dahil madami kami. Swerte ko lang dahil bukod sa mabait naman yung nag-interview sa akin, parehas kami ng course at school sa college kaya naman parang naging kwentuhan lang din yung interview ko. Tinanong nya ko kung sino yung mga naging professor ko. It turns out, yung isang nabanggit ko ay naging professor nya din. Binigyan nya pa ako ng advice sa pagwowork ko sa department na yun. Pagkatapos ng interview, nag-Congratulations sya sa akin.

Pagkalipas ng ilang araw, nakatanggap ako ng e-mail galing sa HR. Tanggap na daw ako! Yehey! Pinag-ayos na din ako ng mga requirements. Sinabi ko agad kay Mama. Sa sobrang tuwa nya, tumawag agad sya sa mga tita ko sa Batangas para ibalita. Haha! Naipasa ko na yung mga requirements na kailangan at sabi sa HR, ang target start of work daw namin ay sa September 22.

I am officially bum no more! Thank you Papa Jesus!

Advertisements

Kid at Heart: Mga Kalaro

Isa ako sa mga taong mahilig sa mga bata. Kaya naman kahit 19 yrs. old na ako, nakikipaglaro pa din ako sa mga inaanak at pamangkin ko. At ilan sa mga conversations namin ay ito:

1. Nasa bahay ako ng pinsan ko. At dahil gumagabi na, nagpaalam na ko para umuwi.

Ako: G (Inaanak, 7 yrs. old), K (Pamangkin, 5 yrs. old), uuwi na ko ha. Gabi na kasi eh.

G & K: Aww. Mamaya na.

Ako: Gabi na kasi. Tsaka baka abutan ako ng malakas na ulan. Bukas na lang ulit ako pupunta.

K: Sige na nga. Uwi ka na.

G: Ehhhh.

Ako: *to G* Bukas, babalik ulit ako. Gabi na kasi, umuulan pa.

G: Ehhhh.

Ako: Sige na nga. Maya maya na ko uuwi. Dali na, kain na kayo. Sasamahan ko kayo.

 Sinamahan ko silang kumain. Maya maya, biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinabayab pa ng kulog at kidlat.

Ako: Hala! Ang lakas ng ulan! Pano ko uuwi nyan? K, ihahatid mo ko ha. *tawa*

K: Nako, ayoko.

Ako: Aww! Wala akong kasama umuwi. Ayaw nyo pa kasi ako pauwiin kanina eh. Hatid mo ko.

K: Pinayagan na nga kita umuwi kanina ehh.

Ako: Eh sino ba ang ayaw magpauwi sakin kanina?

K: Ang kuya. *sabay turo kay G* Yan ang ayaw magpauwi sayo eh. Eh di sya ang maghatid sayo.

 At dahil sa katwiran ng pamangkin ko, natawa na lang kami ng mama nila. May point nga naman ang bata. Hahaha!

2. Nagpapa-renovate kami ng bahay sa Batangas. Medyo may katagalan na kasi yung bahay namin dahil bahay pa yun ng mga lola at lolo ko sa mother’s side. Pumunta sa amin si G. Nasa balkonahe kami at naguusap.

G: Ninang, dapat pinturahan tong bintana. Panget na kasi. Natutuklap na yung pintura.

Ako: Oo nga. Aayusin daw yan. Parang papalitan ata yan ng sliding.

G: Dapat ito pa din yung bintana nyo. Sayang pera nyo eh.

Noong nasa loob naman kami ng bahay,

Ako: Pati yung mga kwarto gagawin din. Pero yung isang kwarto muna ata.

G: Ano ba yan. Lahat na lang pinagawa nyo.

Natawa ko kasi yung mukha nya habang sinasabi yun, para bang ang laki laki ng problema nya. Haha! Pati yun pinroblema pa ng bata. Haha!

3. Isa sa mga gusto kong laro namin ay tagu-taguan (ako ang nagturo sa kanila nun). Kaso sa loob lang ng bahay pwedeng magtago at walang masyadong pwedeng taguan. Dahil apat kami, kampihan. Kakampi ko si K. Magkakampi naman sila G at J (Inaanak, 10 yrs. old).

Dahil kami na ni K ang magtatago, nagtago kaming dalawa sa likod ng pinto. Iniwan namin bukas para hindi nila maisip na pumasok sa kwarto. Pawis na pawis na kaming dalawa dahil hindi kami mahanap nila G at J. Pinipigil namin ni K ang tawa namin dahil pumasok na sa kwarto si J, pero hindi pa din kami nakita.

Maya maya, napansin kong hindi na sumisigaw sila G at J kung nasaan kami kaya naisipan kong lumabas na kaming dalawa ni K. Pag labas namin, nakita namin silang naglalaro ng iPad at nakaupo sa sahig.

Ako: Oh! Bakit hindi nyo na kami hinahanap?

G: Eh ang hirap nyo namang hanapin eh!

Ako: Ano ba yan. Akala namin may kalaro pa kami. Wala na pala. *tawa*

Adventure Time: Chowking at Ice Cream

Niyaya ako ni Ate E (asawa ng pinsan ko) kumain sa Mang Inasal. Libre nya dahil ata nasa top sila G at K (mga anak nya). Sabi ko, sige pero maliligo muna ako. Dahil hapon na noon, ginabi na din kami dahil sa kabagalan ko maligo. Malas ko pa, inabutan ako ng brownout sa banyo. Medyo nataranta ako dahil sobrang dilim. Haha. Niyaya na din ni Ate E ang nanay ko, si Tita E at Tita A dahil sabi daw ni Kuya I, dun na kami maghapunan.

Pag dating namin sa Mang Inasal, walang masyadong tao, medyo malabo yung ilaw at mausok pa. Parang ayoko na. Tinanong ng nanay ko kung brownout sa kanila. Sabi nung nasa cashier, mahina daw yung dating sa kanila ng kuryente. Ayaw na din nila kasi nga medyo madilim, mainit at mausok. Kaya ayun, nauwi kami sa Chowking.

Wala akong maisip na kainin kaya ginaya ko na lang kung anong order nila. Lumpiang Shanghai Lauriat. Ok naman. Masarap yung Shanghai kasi malutong at bagong luto. Siomai with toyomansi, whooo! Sarap! Samahan mo pa nung bilog na may monggo sa loob (di ko alam tawag eh, ano bang tawag dun?). Oks na oks. Di ko na nakain yung pansit sa kabusugan, pati yung chicharap kasi di naman ako kumakain nun.

Pagkatapos namin kumain, nagyaya si Tita E sa 7eleven. Mag-ice cream daw kami. Syempre tuwang tuwa ang mga bata (at nagbabata-bataan tulad ko). Dahil medyo malapit lang naman ang 7eleven mula sa Chowking, naglakad na lang kami.

Malapit na kami sa 7eleven, patawid na nga kami. May kakadating lang na naka-motor sa tindahan malapit sa tawiran. Parang kilala ko, pero di ko na pinansin. Nung malapit na kami sa tindahan, “Hi Cha!” Ahh. Kilala ko nga. Sabi na eh. Napa- “Uy!” na lang ako. Sya kasi si C, nanligaw sakin dati. Hindi ko sinagot kasi sinungaling, ni hindi nga kami close nun eh. Nung sabi ko na friends na lang kami, hindi na nagtext ulit. In-unfriend pa ko sa Facebook.

Anyway, nung nakatawid na kami papuntang 7eleven, niloko ako ni G (7 yrs old). “Hi Cha!”, sabi nya. Ginagaya nya kasi si C. Tapos dinagdagan pa ni Ate E na sinusulsulan si G na asarin ako. Haha.

Umorder kami ng ice cream sa 7eleven. Yung tig-15. Gusto ko sana vanilla. Kaso wala kaya chocolate na lang. Pero nung last cone na, wala na daw chocolate, strawberry na lang daw. Sabi ni Tita E, kanya na lang daw yung strawberry. Pero ayoko kasi nung chocolate kasi sobrang tamis para sakin kaya strawberry na lang yung sakin. Yung inaakala kong hindi gaanong matamis, eh matamis din pala. Hindi ko din naubos. Sayang.

Bago umuwi, naglakad lakad muna kami sa plaza para daw bumaba yung mga kinain namin. Katapat lang kasi ng 7eleven yung plaza sa amin. Noong pauwi na, dahil 7 kami, 2 tricycle ang sasakyan namin. Pinauna na namin sila Ate E, Tita E, G at K sa unang tricycle. Ako, si Mama at si Tita A naman sa pangalawa. Dahil tatlo kami, may isang aangkas sa likod ng tricycle o kaya naman dun uupo sa maliit na upuan sa loob. Balak ko sanang umangkas na lang sa likod, pero ayaw ako payagan ni Mama kaya napilitan akong umupo dun sa upuan na halos hindi ko naman talaga maupuan. Pagsakay ko sa loob, pinipilit nung driver na yung isa daw, sa likod. Sabi ni Mama, ok lang daw na tatlo kami sa loob. Pero makulit si manong, pinipilit nya talaga na yung isa sa likod umupo. Medyo napikon si Mama kaya nasabi nya na kung ayaw daw nung driver na tatlo kami sa loob, bababa na lang kami tutal madami pa namang ibang tricycle. Bumaba na kami. Pagkababa namin, hindi pa nakuntento si manong, sumigaw sya ng “Eh di wag! Sinong tinakot nyo?”

Mula plaza, umikot tuloy kami sa kabilang kalye para makasakay ng tricycle. Pagdating namin sa kalye namin, nagulat si Ate E. Akala daw nya, kasunod nila kami. Kaya daw pala sabi ni G sa kanya “Ma, kawawa sila ninang. Naglalakad.”