Sunday Mass

Tuwing Sunday, nagsisimba kami ni Mama sa SM. Pero sa lahat ng nag-mass doon, si Fr. Joey Faller ang pinaka gusto ko. Hehe. Pag kasi sya yung nag-ma-mass, hinding hindi ka talaga aantukin. Sobrang maiintindihan mo yung homily kasi kino-connect nya sa totoong buhay (with matching actions minsan) yung mga gusto nyang iparating. Tapos may halong kwento pa galing sa mga eksena ng Legal Wife at ibang Kapamilya teleseryes. Sya na ata ang pinaka-cool na paring nakilala ko. Kaso hindi na sya nag-ma-mass sa SM eh.

But, that’s another story.

Kaninang umaga, nung nagsimba kami ni mama, bago yung pari. Hindi ko lang maalala kung anong pangalan nya at kung saan sya nag-se-serve pero so far, sya pa lang yung pari na nagustuhan ko yung homily aside from Fr. Faller. Siguro kasi parehas sila ng approach. Ginagawa nilang “light” yung homily.

“Magandang umaga, madlang people!” Yan ang bati nya sa amin nung homily na. Oh di ba, ang lakas maka-It’s Showtime. May sinabi pa sya sa kalagitnaan ng na, “Paki-explain. Labyu.” Bagets na bagets di ba? Haha!

Anyway, ang gusto ko talagang i-share ay yung kinwento nya. Hindi ko alam kung totoo ba yun o gawa-gawa lang, pero natuwa talaga ako. So, eto yung kwento:

May isang lalaking mayaman na kilalang kilala sa buong mundo dahil sa kanyang koleksyon ng mga mamahaling paintings na gawa ng mga kilalang pintor. Meron syang apat na anak.

Nabuntis ulit ang asawa nya sa pang lima nyang anak. Pero namatay yung asawa nya habang ipinapanganak yung bata at yung bata naman ay mentally handicapped. Sobrang nalungkot ang lalaki. Naisip nya, bakit nagkaganun ang buhay nya? Namatay yung asawa nya at naiwan sa kanya ang isang batang mentally handicapped na hindi nya kayang alagaan.

Dahil mayaman naman sya, kumuha sya ng yaya para alagaan yung bata. Ipininta din nya ang bata dahil sa sobrang pagmamahal nya dito. Pero hindi rin nagtagal ang buhay ng bata at namatay din. Sobrang nalungkot ulit yung lalaki at hindi nagtagal ay namatay din dahil sa depression.

Sa pagkamatay ng lalaki, ipina-auction ang mga mamahaling paintings. Pero may instructions sya na kung ipapa-auctions ang mga ito, kailangang mabili muna ang painting ng anak nya. Sobrang daming taong pumunta sa auction para mabili yung mga paintings pero hindi sila makapagsimula dahil walang bumibili ng painting ng anak nya.

Dumating ang yaya ng bata at nakita nya ang painting. Sabi nya, “Ako na lang po ang bibili ng painting na yan dahil ako po ang nag-alaga dyan. Mahal na mahal ko po yan. Kaso 20 Pesos lang ang laman ng bulsa ko.” Sabi naman ng mga tao, “Sige, ibigay mo na sa kanya yang painting sa halagang 20 Pesos para masimulan na talaga ang auction.” Pumayag naman ang taga-pamahala ng auction. Ibinigay nya ang painting at sinabing, “Tapos na po ang auction.” Nagalit ang mga tao dahil hindi pa sila nakakapagsimulang mag-auction ay tapos na agad ito. Sabi ng taga-pamahala, “May isa pa pong instruction ang may ari ng mga painting na ito na ayaw niyang ipasabi sa inyo. Kung sino man ang bumili ng painting ng kanyang anak, sa kanya mapupunta ang lahat ng mga paintings.”

 

Edited (16 August 2014): Nag mass ulit yung pari na sinasabi ko sa SM kanina, alam ko na yung pangalang nya! Fr. Joeffrey Zacarias pala. 🙂